Kabanata 1

Posted by Labels: on

 Kabanata 1
Levi
Hindi, spoiled


Nakakapanghina dahil siguro araw araw akong mabubwisit sa seven dwarves at annoying guy na puppet ni Lola. Wala naman syang ginawa, oo. Yun nga eh! Wala syang ginawa nung natapilok ako! Tinawanan lang ako! 

Ayaw ko sa mga lalaking hindi gentleman. Lalo na kapag first meeting. Turn off sakin. Period.

“Pasensya ka na sa apo ko, Kiko, ah. Ganun talaga yun eh. Di bale, aayos din ang takbo ng utak non mamaya.” Sabi ni Lola sa kanya. Narinig ko mula sa kusina.
“Ayos lang po, La! Sanay naman na ako sa mga ganyang gawain.” Sagot naman nung Kiko.

Napakaplastik naman nya! HAHA. I wish they knew that he’s such a tease. Na mayroon din siyang tinatagong true colors sa kalooban nya. Na nakakaasar talaga sya.

Lumabas ako sa kwarto na yun at nasa kusina nga sila ni Lola. Kumakain na siya ng mahimbing. 

“Sila Mama po, La?” Tanong ko.
“Inaayos ang mga gamit sa taas.” Sagot ni Lola. “Uy ikaw, Levi, ah. Ano tong narinig ko kanina at nagmamaldita ka? Mag sorry ka kay Kiko! Hindi magandang ugali yan!”
“Eh hindi rin naman po maganda ang ugali nyan eh.” 
“Ikawng bata ka! Ayusin mo nga yang ugali mo! Walang magkakagusto sayo niyan!” 

Kumuha ako ng baso at uminom ng tubig. 

“Kumain ka na diyan kasama si Kiko at mag sorry ka.” 

As if! Hindi ako magsosorry no! Tsaka, wala naman akong ginawang masama sa kanya, ah? Tinawanan ko ba siya, ha?! NAPAKA UNFAIR. 

Nakahalukipkip ako habang pinagmamasdan siyang tahimik na kumakain. Naka jersey na blue lang siya kaya exposed talaga ang braso niya. Medyo di kalakihan iyon katulad ng mga friends na pinapakilala sakin sa lugar namin.

Ilang sandali pa, kumalam ang tiyan ko kaya naisipan kong kumain na lang. Bumuntong hininga ako... susubukan kong maging friendly!

Kumuha ako ng plato at sinamahan sya sa pagkain. Nanlaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Huminto pa sya sa pagkain at pagnguya. HELLO? Ako lang to!

“Hi!” Masigla kong bati sa kanya at kumaway. 

Gulat pa rin sya sa pagbago ng mood ko. Ang mukha nya, sobrang amo. Mukha syang mabait pero nakakaasar lang talaga. 

I glared at him. “Nakakahiya kung di mo rin ako babatiin.”
“Paano kita babatiin eh ang sungit mo kanina tapos ang sigla sigla mo ngayon...” malamig nyang sabi at bumalik sa pagkain.

WHOOO! Kalma, Levi! Kalma! 

“So, Kiko ang pangalan mo?”
“Mmm... ikaw? Levi, hindi ba?” Tumango ako. “Mayaman ka siguro no?”
“Hindi naman! Pero may Chanel bags ako, LV bags, at yung mga limited edition na stuffs. Alam mo yun?”

Umubo si Kiko sa gitna ng pagkain. OMG, ayos lang ba sya? Nabilaukan ata? Ang pula ng mukha nya!

“Ayos ka lang?”
Tumango-tango sya. “Oo... ayos lang... hindi nga pala talaga kayo ganun ka yaman.”
“Oo eh. Sabi kasi nila Mama, dapat maging humble. I’m sure you’re aware of it.”
“Sobrang down to earth nga...” may sinabi pa siya pero di ko narinig. “Kaya siguro ganun ang ugali mo...”
“Ano? Humble?”
Umiling sya. “Hindi, spoiled.”

Post a Comment

Back to Top