Panimula

Posted by Labels: on

Panimula
Levi


Kung may pasasalamatan man ako, siguro yun ang mga magulang ko. Duh? Sino pa ba? Aside from the Lord, sila lang no! Sila ang bumuhay sakin, nagpakain sakin, nagbihis sakin, wala ng iba!

Napairap ako habang nasa loob ng sasakyan. Ang tagal pa naming umabot sa probinsya nila Lola at Lolo. Malayo kami syempre kaya matagal. Pero di ko naman inaasahan na ganito kalayo! Nangangawit na ang pwet ko sa tagal ng kauupo dito.

Tanaw ko ang berdeng bukid at kakahuyan sa ibaba. ANG GANDA. I felt like my eyes glimmered nung dumungaw ako sa bintana.

Hindi ko naman first time pero manghang mangha ako. Bumalik lang din naman ako sa pagsandal sa upuan. Hayst.

“Matagal pa po ba?” Tanong ko sa kanila.
“Oo, Levi.” Si Mama ang sumagot at ngumiti sakin.

I sighed.

Nakaidlip ako dahil sa inip. Wala kasi akong magawa. After 123456789 years, nakarating na nga kami!

YES!

“Ops, teka, teka...” Si Mama yun.

Nakababa na ako non. Ready na akong gumala sa probinsya. In fairness, ah, may mga buildings ang probinsya nila. Pero ang dumi! May mga kotse din. Probinsya ba talaga to? Pinagt tripan ata ako nila Mama e!

“Dalhin mo tong mga bagahe sa loob. Tapos magmano ka sa Lola at Lolo,” utos ni Mama habang kinukuha din ang ibang bag at cellophanes.
“Okay po!”

Nakabusangot ako habang binitbit iyon. Ang bigat bigat pa ah! Ugh! Sa tindahan, mayroon namang mga nakahubad na mga lalaki. Bakit hindi sila?! Bakit ako pa!?

“AY PUTEK!”

Napasigaw ako nang ma out of balance ako dahil sa bigat ng bitbit ko. What the heck!

Naramdaman ko ang pag init ng aking mga pisngi. Sinigawan pa ako nila Mama at Lola dahil daw bat ako natumba. Shet.

Isa-isa kong kinuha yung mga bag habang pinagtitinginan ako ng mga lalaki. Sinamaan ko sila ng tingin dahil may halakhak akong narinig. Akala mo naman ang guguwapo! Ew! I don’t like dugyot boys!

“Susmaryosep ka, Levi! Aatakihin ako sa pinagagagawa mo! Kiko! Tungulan mo nga iyang babaita! Ipasok mo sa bakanteng kwarto!” Utos ni lola sa isa sa binata.

Nakuha ko na ang bag. SIYA? ISA SA KANILA? I made a face. NO FREAKING WAY! Ang dudugyot nila! And he looks harmful!

“A-Ahh... lola kaya ko naman po eh. K-Kaya ko naman po.” Binitbit ko ang bag. Feel ko muntik na mabali ang kamay ko pagbuhat ko. ANG BIGAT! “L-Lola kaya ko po... hehe...”

Naabutan ko ang pagpipigil ng tawa nung lalaking dugyot. Ang sarap awayin! Nakakaasar!

“Kiko! Tulungan mo!” Biro ng mga kaibigan nyang nagmana sa kanya.
Naramdaman ko ang paglapit nya. “Akin na, miss.” He offered.

Naglahad pa siya ng kamay. Tiningnan ko lamang yun. Sa tingin mo ibibigay ko? HA! You wish!

“Sorry. Kaya ko to.” At tinalikuran ko sya. Binuksan ko ang gate at pumasok.
“Natumba ka nga eh. Ako ang papagalitan ng Lola mo.”
“Kanina yun. I am a strong independent woman.” I said with a firm voice.

Bahagyang tumaas ang mga mata niya. Ngumisi ako. Sa tingin mo pareho ako sa mga babae ditong pabebe? Think more. Hindi ako cheap, noh!

“Nosebleed si Kiko, pre! HAHAHAHA!” Nagtawanan yung mga kaibigan niya.
“Aba! Napakatigas ng ulo nitong anak mo, Lorna!”

Si lola ulit. Ano ba ako sa tingin nila? Walang buto at di nakaka buhat?

“Levi! Ibigay mo yang bagahe kay Kiko! Idadala na nya yan sa kwarto. Ikaw naman, pumasok ka at kumain na doon! Manang mana ka talaga sa Lolo mo!”

Bumuntonghininga ako at binaling ang tingin sa Kiko na yun. He just shrugged like nothing happened.

Nakakabanas ang pagmumukha nya! Akala mo naman kung sinong guwapo! I faked smile. Tumaas ang kanyang kilay, nalilito. Pinasa ko sa kanya ang mabigat kong bag at nagulat sya sa pagsalo dahil di inaasahan yun. Sa dibdib nya yun tumama.

Tumalikod na ako at nag asaran pa ang mga buang sa labas. ARGH! Kainis naman! Akala ko pa naman peaceful dito sa probinsya na mukhang syudad nila Lola! Yun pala, HINDI.

Guess I’ll be spending my whole summer here with the annoying guy and his friends.

Post a Comment

Back to Top